Dear Brothers and Sisters,
Happy Father's Day to all dads! May God continually grant you the grace to touch more hearts and bless more lives for God's glory...and in the process, bring so much joy and contentment in your heart.
On this special day for dads, let me share with you my personal reflection. It's also my Philippine Independence Day tribute to all fathers. (...kaya kahit mahirap...Tagalog 'to, mga kapatid! Gudlak na lang sa mga "spokening dollars"... hehehe.)
"Ama Natin"
"Tatay... Itay... Papa... Daddy... Dada..." Iba-ibang paraan ng pagtawag ngunit isa lamang ang kahulugan--AMA.
Sa mababang paaralan ko unang narinig na ang ama ang haligi ng tahanan. Katulad ng mga bakod na nakapaligid sa isang bahay, gayon din naman, tungkulin ng isang ama na pangalagaan ang kanyang nag-iisang asawa at mga anak, sa loob o labas man ng kanilang tahanan.
Iba't iba ang pamamaraan ng mga tatay sa pangangalaga at pagmamahal sa kani-kanilang pamilya. May tatay na siya palagi ang dapat masunod. May tatay na binibigyan naman ng halaga ang opinyon at damdamin ng bawat kasapi ng pamilya. May tatay na nauubos ang oras sa paghahanap-buhay upang maibigay ang mga materyal na pangangailangan ng asawa at mga anak. Mayroon namang ama na sa gitna ng maraming trabaho ay nakukuha pa ring magbigay ng panahon sa pakikipag-usap o pakikipaglaro sa mga anak.
Maraming tatay sa mundo. Alam nating lahat na hindi mabubuo ang isang bata kung walang tatay... subalit alam rin ba nating lahat kung paano maging isang tunay na ama? Sino nga ba ang maituturing na huwarang ama dito sa atin?
Pagsama-samahin man ang lahat na matatawag na ulirang ama dito sa mundo, wala nang hihigit pa sa isang AMA na nagbayad ng hindi NIYA inutang, nagparaya kahit SIYA ang tunay na nagmamay-ari, nagpapasensya at nagtitiyaga kahit hindi SIYA pinapansin, higit sa lahat -- patuloy na nagmamahal kahit patuloy na sinasaktan. Kilala mo ba... ang AMA NATIN?
I can't thank HIM enough... so I just simply say, "ALL GLORY TO GOD, OUR FATHER!"
Again, happy father's day to all the fathers out there!
GOD BLESS YOU INDEED!!!
In Christ,
Chic