In honor of the Blessed Mother on her birthday (September 8), I am sharing with you some thoughts and insights on John 2:5 ("Do whatever He tells you."); the very special role of Mary in the life of Christians especially the Filipinos. I hope it would make your heart smile.
------------------------------------
“GAWIN NINYO ANG ANUMANG SABIHIN NIYA SA INYO” (JOHN 2:5)
Sa panahong ito ng modernong buhay at sa gitna ng makabagong teknolohiya na nagsisilbing tulay at gabay patungo sa mataas na antas ng pamumuhay, marami pa ring nagkakamali at naliligaw ng landas.
Para sa ibang tao, lubhang nakakainis kapag sinasabihan sila kung ano ang dapat nilang gawin. Karamihan sa mga empleyado ay mas marami, mas mabilis at mas maganda ang natatapos na Gawain kapag hinahayaan sila ng kanilang boss na dumiskarte at gumamit ng sariling paraan kaysa sa mga manggagawa na hindi nilulubayan ng kanilang amo sa pagsasabi ng dapat nilang gawin.
Sa kabilang dako, mayroon namang ibang tao na hindi makakilos kung hindi ituturo isa-isa kung ano ang dapat gawin. Karaniwan nilang tanong ay, “Ano, saan, kalian, bakit at paano?” Hindi sila makakagawa ng kahit na anong bagay kung walang kasama na magtuturo ng bawat hakbang kung paano ito gagawin. Ang ganitong klase ng mga tao ay maaaring magkamali ng diskarte at maligaw ng landas kung walang kasama na gagabay sa kanila sa lahat ng sandali; bagay na mahirap dahil hindi sa lahat ng panahon ay magkasama sila at hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay siya lamang ang aasikasuhin ng inaasahan niyang gabay sapagkat ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang buhay.
Mayroong mga tao na matiyagang magturo ng dapat gawin subalit mayroon din namang walang tiyaga at maikli ang pasensya sa mga taong masyadong matanong. Sa mga nabanggit na sitwasyon at pagkakataon, saan nga ba tayo dapat lumugar? Ano nga ba ang dapat nating posisyon bilang anak ng Diyos?
Sinabi ni Jesus, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.” Kung papayagan at tatanggapin natin si Jesus bilang ating nag-iisang Panginoon at Tagapagligtas, hindi tayo maliligaw ng landas, hindi tayo magkakamali ng desisyon at diskarte sa buhay, at higit sa lahat, magiging payapa at masaya ang ating buhay kahit na ito ay simple lamang.
Isang taong kagalang-galang, isang taong malinis at hindi kailanman nabulag sa katotohanan, isang taong nabuhay sa tunay at wagas na pag-ibig… si Maria, ang Mahal na Ina ng ating Panginoon at ina rin nating lahat… Siya ang gabay na tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa ating lahat. Pakinggan at sundin natin ang kanyang huling habilin na nasa JOHN 2:5 ng Bibliya, “GAWIN NINYO ANG ANUMANG SABIHIN NIYA (JESUS) SA INYO.”

0 comments:
Post a Comment